Populasyon

Sana ang mga tao ay maging aware sa mga dapat nilang gawiun. Ang pagiging overpopulation ay hindi birong kaso lalo na sa kalikasan, kapag naubos ang natural nating yaman ay wala na tayong pag kukunan, dahil ang mga tao ay natural na mapanira at hindi makuntento, Dahil sa patuloy na pag dami ng mga tao ay gayundin at patuloy na pagkasira ng ng ating kalikasan.

Dahil sa pag dami ng tao ay nag kukulang ng supply ng tubig gayundin ang pagkain na kailangan ng isang indibiduwal upang mabuhay, mga kailangang sustansiya ng tao ay hindi na makukuha dahil sa tinatawag na shortage o pag kukulang. Unang dahilan ding ang mga tao sa mga kalat na naitatambak, hidni ito agad naitatapon kaya naman ang hangin ay nagiging marumi, ito ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang tao at mag dulot ng sakit katulad ng hika,sakit sa baga at kung ano ano pa. Ang init ng araw ay hindi na rin normal sapagkat sa Pilipinas ay sobrang init na dahil ito sa pagkabutas ng ating ozone layer, hindi naman natin ito kayang makontrol kaya maigi na tayo ay mag ingat dahil kapag ito ay tuluyang nabutas tayo ay maaaring mamatay sa hindi tamang klima sa ating katawan

Leave a comment